PS1 Kahit Ano

Posted: July 7, 2011 in Feel Leap In Know

Isang linggo nalang, paskuan na. Haay, grabe! Bitin! Ang iksi ng bakasyon! Nag Xiamen study tour kasi ako ng dalawang buwan dahil lang sa kapatid ko. Siguro naman, mataas na ang grado ko sa Chinesee. Tuloy-tuloy ang aking pag-aaral. Naghanda na ako para sa pasukan. Nilagyan ko na rin ng tatak ang aking mga libro, inayos ko na rin ang aking iskul bag. Habang nag-aayos na ako, napasok sa isip ko na ngayon pasukan na kami magkakaroon ng Mac! Atat na atat ako. Nang gabing iyon, hindi ako makatulog dahidl palagi kong iniisip ang laptop na makukuha ko.

Atat din ako makiusap muli ang aking mga kaklase. Hindi na kami pinaghalo-halo. Nasisiyahan ako sa kanila. Sila na ang sa tingin ko ang pinaka-maayos na klase. Isang araw nalang bago ang orientation, may tsismis din na iyon ang araw na makukuha ang aming mga laptop. Atat na atat na ako noong umalis ang ang aking ina. Ina-abangan ko ang aking ina hanggan 10 am. Nalungkot ako nang malaman ko na sa iskuwelahan ko pa makukuha yung Mac ko.

Sa wakas, pasukan na. Pagdating ko sa silid aralan, lahat ng aking kaklase ay nagkwekwentuhan. Ang sarap muli ng pakiramdam ang makiusap muli ang aking mga kaibigan. Nag-umpisa ang klase at mas-napasaya pa ako nang nalaman si Mr. Go pa aking adviser. Nabalita ko kasi masaya siya, at na-isip ko na marunong ang mga Xavierian istudyante na naging guro tulad Mr. Yu. Pagkatapos tinalakay din kami sa aming bagong kurikulum sa iskwela. Di ko nalaman na magagawa pala ito nga Xavier.  Ang daming plano pala ang Xavier para sa amin. Napangiti ako, ito ang magiging pinakamahusay na taon para sa akin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s