Ako.ph

Posted: August 11, 2011 in Feel Leap In Know

Natalo kami sa isang game vs. isang di sikat na iskuwela. Ang sama ng pakiramdam. Nawala kasi ang isang player namin na mahalaga. Nananahimik lang kami. Alam din namin na malungkot si Coach Jake. Hinanda kami para si itong laban. Pinagpraktis niya kami mula umaga hanggang hapon. Handang handa kami manalo sa game. Ngunit, ang isang mahalagang player ay umalis dahil sa problema ng pamilya. Hindi namin ineexpekt yun. Ang dami namin ininvest na oras para sa kanyang training at umalis lamang siya. Kaya, natalo kami sa game. Sa sobrang lungkot ni Coach Jake, halos dalawang buwan hindi siya nagpakita. Sa pangatlo, tinawagan kami sa isang meeting sa gym. Nung lahat kami ay nandoon, pumasok si coach na may kasama na bagong recruit.

Pinakilala niya siya sa amin. Ang pangalan niya ay si Roberto. Sinabi niya siya ay magpapalit kay Javier (ang aming MVP). Marami ang hindi nagsangayon. Ngunit, wala kami magagawa. Iyon ang utos ni Coach. Siya ang masusunod sa team namin. Pero may isa nag kontra. Sabi niya: “Coach! Pano siya magpapalit kay Javier? Kalahati lang siya ng tangkad niya! Kayang kaya lang siya banggain kung sino man!” Ngunit, hindi to tinanggap ni Coach Jake. Sinabi lang niya tumingin muna kung paano siya maglaro. Pagkatapos, umalis si Coach. Sumunod kami palabas ng gym. Natira lang sa gym si Roberto. Nagpaiwan ako at nakabantay lang sa katabi ng pintuan nakatingin kay Roberto. Nakita ko siya kumuha ng isang bola, nagdrible ng kaunti, pagkatapos tumira ng tres. Hindi naman pasok at Airball pa. Napanganga ako. Seryoso ba si coach na pipiliin niya itong tao? Pati ball handling pa nga ay bano pa! Umalis ako sa gym na galit. Laking taka ko kung bakit ba talaga pinili ni coach siya? Baka nagloloko lang siya. Pero, hindi naman mabiruin si Coach Jake. Isa siya sa pinakaseryoso na Coach na alam ko. Hindi ko lang nalaman kung ano ang kaya ni Roberto.

Isang buwan na ang nakaraan at patuloy pa kami nagprapractice. Binubunggo namin si Roberto at tinutulakan. Hindi namin siya pinagpasahan. Ipinapakita namin kay Coach na ayaw namin sa kanya at hindi siya makapagpalit kay Javier. Pagkaraan ng isang linggo, nakita ko si Roberto naguusap kay Coach. Wala akong marinig dahil malayo ako. Nakita ko lang na nakayuko si Roberto at nago-oo lang sa sinasabi ni coach. Naisip ko na bakaipapalayas niya si Roberto sa team kaya umalis nalang ako.

Sa susunnod na practice hindi ko nakita si Roberto. Lahat kami ay nagtataka kung saan siya. Sinabi ni Coach Jake na hindi siya sasama sa practice namin kaya tumuloy kami nagpractice. Habang pauwi galing sa gym, nakita ko sa grade school court na nagprapractice sina coach at Roberto. Nakita ko na pagod na pagod na sila. Mga 3 oras sila naglalaro. Umalis ako sa court. Baka kasi makita pa ako at mapagalitan pa ni coach. Hindi ko to sinabi sa mga teammates ko. Baka pa awayin pa nila si Coach Jake.

Araw na ng isa pang game. Kalaban pa namin ulit ang parehong iskuwela. Tinodo namin ang paglalaro. Intense ang laban. Ngunit, nananalo sila ng 20 puntos. Pagod na pagod na kami. Di ko na talaga kaya. 2nd half na patalo na kami. Dumating na si Roberto. Nagtataka kami kung bakit siya nandito.

Ang bilis niya! Hindi namin siya mahabulan! Di naman siya nakakatres kundi puro dos na pasok. Ang liksi niya at ang bilis niya makaiwas sa kalaban. Siyam na sekundo nalang ang natira at patas na ang iskor. Sumugod siya at naglay-up kaso sinampal siya ng kalaban pero nabitawan na ni Roberto ang bola at pumasok! Sayang saya ang buong team namin. Sinalamatan namin si Roberto.

Natuto namin na huwag maliitin kung sino man na di mo kilala. Nagsorry kami kay Roberto at umuwi na kami.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s