William ni Ron Capinding

Posted: September 15, 2011 in Feel Leap In Know

Noong Byernes, Setyembre 9 2011, ang buong H2 batch at H3 IB ay pumunta sa Philippine Educational Theatre Association (PETA) para makanood ng isang dula. Ang pangalan ng dula ay Wiliam ni Ron Capiding. Tungkol it sa mga bata ngayong kung paano sila tinatrato ang mga ginawa ni Shakespeare. Punong-puno ito ng tuwa, kalokohan at drama. Mga arte ni Sophia, pagyayabang ni TJ, ang nasisirang buhay ni Richard, ang pagbabago ng buhay ni Erwin, ang talino ni Estella, at ang katarantaduhan ng mga Buchoy.

Tungkol ito sa mga buhay ng estudyante na nag-aaral ng Shakespeare. Kung ano ang ginagawa nila upang makaintindi ang mga tula, pagbigkas at ang mga dula na isinulat ni Shakespeare. Makikita ninyo ang impluensya ni Shakespeare sa mga buhay nila. Makikita ninyo si Sophia, ang spoiled na mayaman na bata, maarte na sanay na makipagsosyalan sa mga kaibigan at pabaya sa kanyang pag-aaral. Si TJ, ang maangas na “Jock” na takot sa kanyang ama. Makikita niyo kung paano niya sinira ang buhay ni Richard. Si Richard, ang batch representative at ang leader sa klase. Malalaman mo ang mga rumors sa kanya, at paano ito nakasira sa buhay niya. Si Estella, ang pinaka matalino sa klase niya. Si Erwin, ang loser sa class na nasapak ni TJ. Lahat ng buhay nila ay nagbago dahil sa mga ginawa ni Shakespeare.

Ang tema sa tingin ko ang madudulot ko dito ay huwag matakot sa unang tingin lamang o hindi pa nakikita. Tulad ng mga gawa ni Shakespeare. Natatakot tayo aralin ang mga dula at tula niya dahil mahirap, malalim na hindi natin naiintidihan. Sa unang parte ng dula, nagkakagulo ang klase dahil ayaw nila aralin si Shakespeare. Pinagpatapon nila ang mga proyekto nila dahil ayaw nilang subukan aralin si Shakespeare.

Maraming drama at katuwaan na baka magugustuhan ng mga bata na ka age namin. Open ang mga actor at actresses na minsan nagmumura. Lahat ng tauhan ay ikinatawan ng mga stereo types sa iskul. Kaya sa tingin ko ay makakarelate ang mga bata. Ginawa kasi ng mga tauhan sa kwento na ikaugnay nila ang mga gawa ni Shakespeare sa buhay nila. Pumili sila ng “piece” na nakakaugnay sa personalidad nila.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s