Makandiling na Ama

Posted: February 23, 2012 in Feel Leap In Know

Hindi ko nakilala ang totoo kong ama hanggang ako’y 4 na taong gulang na. Siya kasi ay nagtrabaho sa abroad; sa US. Naging isang franchiser ng McDo at iba pang infastructure at business. Isang disciplinarian ang aking ama. Sinasabi sa akin ang lahang ng aking pagkakamali at kailangan kong ipagbutihan. Ayaw niya ako maging laki sa layaw. Gusto niya ako maging independe at hindi aasa sa magulang. Minsan, kailangan kong kumita ng sarili kong pera para lamang pumunta sa gimik.

Ang tatay ko ay mahilig magbigay ng advice. Palagi niya akong kinakausap tungkol sa buhay. Tuwing magkasama kami sa kotse, sinasabi niya na: “Dibale na mataas ang marka mo sa paaralan, kung wala kang alam sa buhay, hindi ka mabubuhay ng mapayapa at aasa ka palagi sa mga tao.” Gusto niya ako maging street smart. Bata pa lang, pinapacommute niya ako na may kasama upang matuto ako at hindi lamang ako aasa sa tsuper.

Gusto rin niya na iisa lamang ang aming katulong sa bahay upang matuto namin maglinis ng isa kasi hindi kaya ng isang katulong lamang makalinis ng buong bahay, makalaba at makaluto. Ako ang nag-aayos ng sarili kong kwarto, nililigpit ng mga gamit, nag-aayos ng kama at minsan, kung may oras, nagwawalis. Kapag may ginagawa pa ang katulong namin, ako mismo ang naghahanda ng lamesa at naghahain ng ulam at kanin.

In short, dahil sa aking ama ay nagiging independe na ako. Hindi ako natatakot maiwan sa bahay mag-isa lamang na may isang katulong. Kaya minsan, nakakaabroad ang mga magulang ko na hindi matatakot sa akin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s