Kabataan sa Xavier

Posted: July 9, 2012 in Feel Leap In Know

Noong nursery ako, palagi akong atat na atat umuwi galing sa iskwelahan. Hindi na ako nagsasabi ng bye bye sa aking mga guro at di na rin ako naglalaro na kasama ang aking mga kaibigan dahil gusto ko na talaga umuwi. Ito ay dahil tuwing naaabutan ko ang aking ama sa opisina, palagi niya ako binibilhan ng Mcdo o kaya Jollibee. Kaya kailangan maaga ako umalis galing iskwelahan.

Sa bandang labas ng  gate 6, may nagbebenta ng taho. Dahil everyday, may sampung piso ako binibigyan ng aking nanay upang makabili ng tinapay. Ngunit, may nakita ako nagbebenta ng taho at mukhang masarap ito. Kaya, bumili ako. Wala pang ilang minuto na talagang natatae ako. Tumakbo ako papunta sa CR at nilabas ko lahat ng nilalaman ng tiyan ko. At doon ko lang naisip na wala akong tisyu. Naghintay pa ako ng isang oras para lang pumasok ang isang janitor at humingi ako ng tisyu. Pagkalabas ko, wala nang tao sa gym at natakot ako sobra. Umiyak ako sa sahig at pinuntahan ako ng aking driver. Naisip ko rin na wala na akong McDo o Jollibee dahil sobrang late na ako. Ngunit, pagpunta ko sa opisina, nandun nakahanda naman KFC.

Dito sa larawan na ito, nandoon ako sa upuan ng aking ama at kakatapos ko lang lamunin ang KFC. Makikita rin dito na medyo mataba rin ako🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s