Philippines Flash Flood

Posted: August 13, 2012 in Feel Leap In Know

Noong Lunes, inimbita ako ni Pattan na mag-overnight sa bahay niya sa Banawe. Nag-paalam ako sa magulang ko dahil alam naman namin na walang pasok sa Martes dahil sa ulan. Hindi nakalaing namin na babaha sobra sa Metro Manila. Nang pumunta ako doon, agad agad kami naglaro ng PS3. Naglaro kami ng Call of Duty, FEAR, at iba pang mga games. Nang gabi na, inisip namin pumunta sa Trinoma at bumili ng bagong laro. Pagpunta namin, sobrang traffic sa North Edsa at nakarating na kami sa ng dalawang oras. Nang nakarating doon, lahat ng tao ay nagsipag alisan na dahil sa baha. Agad agad kami bumili ng laro at umalis. Isang oras rin kami na sa traffic dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Pag-uwi namin, kumain muna kami ng hapunan at naglaro kami kaagad ng Black Ops (yung bagong game namin). Nang nasawa na kami, tinignan namin ang aming mga Facebook. Nakita namin ang lahat ng tao ay nagdadasal kasi pabaha na ang mga kalye. Marami na nakita namin ng mga alerts sa twitter at facebook. Natulog na kami at rinig na rinig namin ang mga patak sa ulan.

Pag-gising ko, sobrang dilim ang langit at sobrang lamig. Habang kumakain kami ng almusal, tinawagan ako ng ina ko na baha raw sa mga lungsod ng Manila. Sabi rin ng driver na hindi ako makakauwi. Ganun rin nangyari hanggang Huwebes. Nakita namin sa facebook ang lahat ng nakakatuwa na imahe. Mga tao na na sa jet ski, mga nagpipicture, nagsusurfing at may submarine pang galing China! May diving competition din kami nakita sa Quiapo! Sobrang tawa namin. Sinubukan namin umalis sa bahay upang makita ang mga tao at mga kalye na baha. Nagulat kami. Halos walang tao sa kalye. Sobrang tahimik ang mga daanan. Naging tambayan ang mga fast food at iba pang shops. Pumunta kami sa McDo upang makabili ng hot choco. Doon namin nakita ang mga mahihirap na doon lamang sila dahil hindi sila nakakaalis. Binilhan namin sila ng hot choco at french fries. Pagkatapos, pumunta kami sa isang grocery store at bumili kami ng mga packs ng Zesto at Sky Flakes para sa mg relief.

Friday na ako nakauwi. Nakita ko rin ang isang post ng isang Amerikano na nakasabi na (hindi sakto): The Filipinos, they have nothing to give, and yet, they still give. Dito nakasabi ang pagkayaman ng mga Pilipino sa espirito. Water proof raw ang Filipino Spirit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s