Posted: August 14, 2012 in Feel Leap In Know

Kakaiba talaga ang mundo natin ngayon. Ang dami na nagbago sa ilang decado lamang. Kung tatlongput taon dati ay isang kompyuter ay nakakabuo ng isang kwarto, eh ngayon ay halos sing laki lamang ng libro. Dahil dito, ang daming naiitulong ang kompyuter. Nakakadala tayo ng tao sa buwan, kontekdato na ang buong mundo natin, nakakadala tayo ng tao kung kahit saan sa dulo ng mundo, nag-improve rin ang edukasyon natin, ang gamot at mga hospital ay nagiging masmaayos na. Pati na rin ang musika ay naiiba na. Lalo ang paglaro ng “Dubstep”.

Ang halos na benepaktibo ng teknolohiya sa atin ay ang porm ng komunikasyon. Imbis na maghihintay ng ilang buwan sa isang sulat, halos ng isang minuto lamang ay nakakadala ng sulat. Nakakapag-socialize ka na sa iba’t ibang tao dahil sa Facebook, Twitter, Multiply, Friendster, Tumblr at pati na rin ang 9gag, Omegle at Chatroulette.

Ang pinakanauso ay pagkakashare ng mga imahe, mga quotes, pangyayari at iba pa. Hindi na umaasa ang mga tao sa media at secondhand experience na ang nangyayari. Mga opinyon ay naiibahagi ng mga tao. Lalo na sa mundo ng 9gag. Halos lahat ng tao ngayon ay nakakonektado roon. Anumang kultura mo, lahi, o taon, lahat ay nandoon. Lahat ay nagbabahagi na kung ano ang mga na sa isip nila, mga nakatawang imahe, nakakawa, mga maling akala ng mga tao na tinatama, nakakabigay pansin sa mga utak ng mga tao, at halos mga nangagago rin. Ngunit, may nabuo mga ibang klaseng imahe na tinawagan na “Meme”.

Ano ba ang Meme? Ang Meme ay isang mukha, comic, o drawing na naging isang parang template. Ang mga imahe na ito ay nilalagyan ng “subtitle” sa ilalim nito. Higit pa dito, parang naiimagine natin ang imahe na nagsasabi ng itong subtitle. Lalo na sa 9gag, doon nanggaling at nauso ang mga Meme. Mga halimbawa nito ay ang “Yao Ming Face” na nagpapakita na: “Kahit ano na” na expression. Si “Bad Luck Brian” naman, nagpapakita  at naghahalimbawa ng mga sitwasyon na sobrang malas at nakakahiya. Si “Scum Bag” naman, nagpapakita ng mga tao na nakakabwiset at nakakagigil. Ang “Not Bad Face” ni Obama na nagpapakita ng not bad nga! At sobra pang dami! At halos lahat ay sikat na tao. Pero para sa proyekto na ito, ang pinili ko ay si “Good Guy Greg”. Siya ay isang Meme na nagpapakita ang mga ugali ng maganda na hindi natin minsan pinapansin. Minsan pinapakita ng mga magagandang gawa na gust o naman natin.Halimbawa nito ay “Sees your facebook account logged in, logs out.” “ Sleeps on your couch, makes break fast.” “ Plays PS3 with you, lets you take controller 1.” at maraming iba pa!

Pinili ko si Good Guy Greg dahil sa istorya nila Ibarra at Maria Clara sa Noli Me Tangere. Si Ibarra, anak ni Don Rafael Ibarra, ay pumunta sa Europa upang makapag aral ng mabuti at maka-aral sa mga kultura ng mga taga Europa dahil isa itong malaking oportunidad upang makatuto ng maiigi. Pitong taon si Ibarra doon sa Europa. Nakapunta siya sa Germany, Espanya, Italy at iba pa. Mayaman kasi sila kaya nakapag-gastos ang kanyang ama ng marami para sa kanyang pag-aaral. At habang nandiyan si Ibarra sa Europa, nakulong ang kanyang ama dahil sa pagiging isang Filibuster at Heretico at namatay siya sa prisinto.

At nang nakauwi pa siya sa Pilipinas, hindi pa rin niya nakalimutan si Maria Clara. Nagulat ako rito dahil pitong taon siya sa Europa at mahal pa rin niya si Maria Clara. Maraming magagandang babae at masmabuting babae doon sa Europa ngunit pinili pa rin niya si Maria Clara. Basi sa libro, na kay Ibarra pa rin ang mga dahon sa kanilang kabataan. Ngunit na naman, paano makakalimutan ni Ibarra si Maria Clara? Nandoon si Maria Clara sa katabi niya habang namatay ang kanyang ina, at sa mga iba pa. Mga laro na nasiyahan nila at mga away at makaayos.

Sa henerasyon natin ngayon, maraming ang pabaya sa importanteng literatura na dating pinahalagaan ng sobra. Isa sa ito ang Noli. Kapag binasa natin ito, makikita natin ang mga simbolismo at mga mensahe na “Twitter worthy o minsan nakakatulong din kagaya sa Meme. Sa tingin ko, ipinagaya ang pag-ibig ni Ibarra at ni Maria Clara sa pag-ibig ng Diyos. Sa tingin ko na parang sabi ni Rizal na mali ang tinuturo ng mga fraye tungkol kay Hesus. Ang sabi ni Rizal ay ang pagtuturo ng “unconditional love”. Na kahit na masama ka o mabuti, mahal ka pa rin ng Diyos. Kahit may masmaraming tao ang mabait, kaunti lamang ang kasalanan,  mahal ka pa rin ng Diyos. Mahahambing ko rin sa isang sikat na kasabihan sa Tumblr: “Yeah there are other girls, much prettier, beautiful and better. But remember, there are also better looking boys, kinder, and richer. But she still chose you.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s