Kalaputan ng Dugo

Posted: October 18, 2012 in Feel Leap In Know

The Rains of Castamere

 

And who are you, the proud lord said,

that I must bow so low?

Only a cat of a different coat,

that’s all the truth I know.

In a coat of gold or a coat of red,

a lion still has claws,

And mine are long and sharp, my lord,

as long and sharp as yours.

And so he spoke, and so he spoke,

that Lord of Castamere,

But now the rains weep o’er his hall,

with no one there to hear.

Yes now the rains weep o’er his hall,

and not a soul to hear.

 

 

Kalaputan ng Dugo

 

Itong kanta ay nanggaling sa istorya ng Game of Thrones. Itong kanta ay galing sa medyebal panahon ng Britania. Ikinukwento ng kanta ang isang rebelyon na nangyari sa England. May isang pamilya kasi na ang tawag sa kanila ay Lannister. Malaking impluwensya ang bahay ng mga Lannister. Marami silang kapangyarihan at yaman na lahat ng ibang panginoon ay saludo sa kanila dahil sa kanilang lakas.

 

Ngunit may isang panginoon na nanggaling sa Bahay ng Reyne. Sinabi nila na si  Tytos Lannister ay mahina at bahag ang buntot. Upang ibalik ang karangalan at parangalan ng Bahay ng Lannister, ang anak ni Tytos na si Tywin Lannister ay itinanghal sa kastilyo ng Bahay ng Reyne upang tapusin ang rebelde ng Bahay ng Reyne. Dahil doon, pinatay nila ang lahat ng bawat mamamayan ng Bahay ng Reyne.

 

Ayon sa tula/kanta, dalawa silang leon. Kaya sa sigil, nakaguhit ang ang isang pulang leon na ang House Reyne at dilaw na leon na ang House Lannister. Ayon sa kanta, dalawa silang leon ngunit iba ang kanilang amerikana. Masasabi dito na pareho lang ang kanilang pagkakatao, at bakit naman sila yuyuko sa Bahay ng Lannister? Pareho lang din ang kanilang kuko at kaya nila mangalmot din. Sinasabi ng tula na panay sila naghahamon at nagsasalita ng bastos tungkol sa mga Lannisters. “And so he spoke, and so he spoke, that Lord of Castamere.” Nang na bwuisit na ang mga Lannisters, sinuguran nila ang Bahay ng Reyne at pinatay nila LAHAT ng residensya at tauhan. “But now the rains wee o’er his hall, with no one there to here. Yes now the rains weep o’er his hall, and not a soul to hear.”

 

Mauugnay ko itong kanta na ito sa sitwasyon ng Noli. Sa Noli, maliwanag ang diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino. Makikita ito sa historya ng Pilipinas. Sa mga sinasabi nga mga Kastila na bobo at tanga ang mga Pilipino, mga tamad, o kaya sa kulay ng ating balat at kaliit ng ating mga katawan. Dahil sa kaunting nilalaman ng utang ng mga Pilipino dahil sa hindi pinapag-aral, sinasabi ng mga Kastila na bobo at tanga ang mga Pinoy. Ito rin ay dahil madali silang mauto. Katulad ng mga ginagawa ng mga prayle upang makakuha at “magnakaw” ng pera. Halimbawa nito ay ang nangangailangan magbigay ng pera sa mga pari upang sila ay magdadasal sa Diyos para sa iyo. Lahat ng layunin nila ay umiikot lamang sa pera at ginagamit nila ang pangalan ng Diyos upang makakuha ng mas maraming pera.

 

Sa istorya naman ng Noli, ang tauhan na si Donya Victorina naman ay ang perpektong halimbawa ng diskriminasyon. Gustong gusto niya talaga maging isang Espanyol. Ayaw na ayaw niya ang Pilipino dahil iniisip niya bobo ang mga Pilipino at hindi sopistikado. At dahil dito, palagi siyang nakasuot na pang Espanyol kahit hindi bagay sa kanya. Siya tuloy ang namukhang tanga at “wanna be”. Isa pa rin ang kanyang hilig sa linguahe ng Espanyol at ang kanyang desperado upang makigaya sa pag-uusap kahit na barok ang kanyang pagbigkas. Kinasal din niya ang isang Espanyol na doktor na si Tiburcio de Espadana.

 

Bakit kailangan pa magkaroon ng diskriminasyon? Hindi ba na pare pareho lamang ang mga tao? Kahit man kulay ng balat ang diperensya, “a lion still has claws”. Tao pa rin ang na sa loob. Ngunit, kailangan ng mga Espanyol na maging bobo pa rin ang mga Pilipino. Ayaw nila ipag-aral ang mga Pinoy dahil ayaw nila na matuto ang mga Pilipino at tanggaling ang Kastila sa paghahari ng Pilipinas. Kaya anumang anyo ng rebelyon ay sinugpuin ng mga Espanyol at pinapatay nila na walang awa ang mga nakasali dito. Kay Donya Victorina, siya naman ay isang hipocrito. Minamasama niya ang mga Pilipino ngunit siya naman din ay isang Pilipino. Hindi maaaring magiging isa siyang Espanyol dahil wala naman siyang lahi. Mumukhang lang siyang tanga at mumukha rin tayong tanga kung sinubukan natin maging ang hindi natin kaya.

 

Sa panahon natin ngayon, hindi na diskriminasyon sa lahi, diskriminasyon na ng mayaman at mahirap. Pinapahirapan natin ang mga mahihirap dahil ayaw natin na gumawa at gusto pa natin magkaroon ng masmaraming gamit. Hindi tayo nasisiyahan sa mga kung ano meron natin. Ang kanta na naipakita ko ay isang “barbaric” na paraan. At kung ginagawa natin din natin ang pagdiskriminasyon, kahit ano pang sabihan natin na “modern” o “digital” era, barbaric pa rin ang ating dating.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s